Thursday, May 15, 2008
epolsos
sa pagtatapos nagsisimula
ang paglimot ng pagmamahal.
naghihintay,
maghihintay...
sa pagpanaw ng lumbay,
sa pagpawi ng buhay,
sa katapusan ng kahapon,
hanggang ang bukas ay ngayon.
(epiphany 15may08... epekto ng pagpupuyat at pagtetext hanggang madaling araw. hanapin na lamang ang ibig sabihin ng "applesauce" dahil ito'y tugmang tugma sa naisulat.)
Monday, May 5, 2008
dumaluan
sa bawat pag halik ng alon sa pisngi ng dalampasigan, dinig mo ba ang hinagpis ng pusong pagod nang maglakbay? dama mo pa ba ang haplos ng alaala ng dumaang kalungkutan? at handa ka na bang muling mabuhay sa mundong minsan akala mo'y nawalan na ng sayasay?
(epiphany 05may08)
Subscribe to:
Posts (Atom)