parang kailan lang,
kasama kitang mamasyal sa paradisong puno ng hiwaga at saya.
parang kahapon lang,
kasama kitang maghabol ng pangarap sa dakong kaluran at silangan.
parang kanina lang,
kasama kitang maghintay ng paglubog ng araw at pagsikat ng buwan.
parang kailan lang,
damang-dama ko ang pagmamahal na akala ko ay akin lang.
parang kahapon lang,
hawak-hawak ko ang kamay mo nang buong tiwala at pag-asa.
parang kanina lang,
yakap-yakap kita habang naglilibot at naghahanap ng oras at tala.
parang kailan lang,
naiidlip at nagigising tayo nang magkatabi at magkapiling.
parang kahapon lang,
tinutukso natin ang kahulugan ng pagkakaibigan at pag-iibigan.
parang kanina lang,
pinaglalaruan ko ng halik ang iyong labi at katawan.
via Tumblr http://ift.tt/18JloCJ
No comments:
Post a Comment