Hindi sa langit Mong pangako sa akin
Ako naaakit na Kita’y mahalin,
At hindi sa apoy - kahit anong lagim -
Ako mapipilit nginig Kang sambahin.
Naaakit ako na Ika’y mamalas
Nakapako sa krus, hinahamak-hamak.
Naaakit ng ‘Yong katawang may sugat
At ng tinanggap Mong kamataya’t libak.
Naaakit ako sa ‘Yong pag-ibig
Kaya’t mahal Kita kahit walang langit,
Kahit walang apoy, sa ‘Yo’y manginginig.
Huwag nang mag-abala upang ibigin Ka
Pagkat kung pag-asa’y bula lamang pala,
Walang mababago, mahal pa rin Kita!
#song #Pagkabighani (at Ateneo De Davao University - Community Center and Assembly Hall)
via Tumblr http://ift.tt/1Lznari
No comments:
Post a Comment