saan ka dadalhin ng iyong pagninilay-nilay?
sa kahapon bang puno ng lihim at kasinungaligan o sa bukas na may banaag pa ng pag-asa at pangako?
saan ka dadalhin ng iyong pagdaramdam?
sa kalungkutan bang dinanas sa inakalang mahal o sa kagalakan na minsan umibig ka ng wagas at totoo?
saan ka dadalhin ng iyong paglalayag?
sa baybayin ba ng mga ala-alang luha at lungkot o sa mga talong lingid kung saan naglalaro ang mga balangaw?
saan ka dadalhin ng iyong paglalakbay?
sa sangangdaan ba ng pagkabigo’t hapis at pagsisisi’t dalamhati o sa mahiwagang asilong tahimik, tiwasay.
#balanghai (at The Aerie)
via Tumblr http://ift.tt/1EMMnYO
No comments:
Post a Comment